Tips ng DOH para maging ligtas sa pagsalubong sa Bagong Taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2019 - 12:50 PM

Para matiyak ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagpalabas ng mga paalala ang Department of Health.

Kabilang sa mga tips na inilabas ng DOH ay ang mga sumusunod:

1. Huwag bumili ng mga paputok
2. Huwag hayaan ang mga bata na maglaro ng paputok.
3. Lumayo sa mga taong gumagamit ng paputok.
4. Huwag pumulot ng mga ‘di sumabog na paputok.
5. Agad humingi ng tulong kapag naputukan.

Para naman sa agarang lunas sakaling makalunok ng paputok o mabiktima ng firecraker poisoning, narito ang mga dapat na gawin:

Kung napunta sa mata:
1. Hugasan kaagad nang ‘di bababa sa 15 minuto.
2. Agad humingi ng tulong medikal.

Kung nalunok:
1. Huwag piliting sumuka.
2. Agad dalhin sa malapit na ospital.

Kung nalanghap:
1. Ilayo ang pasyente sa usok na dulot ng sumabog na paputok.
2. Siguraduhin na makakahinga ng mabuti ang pasyente.
3. Agad humingi ng tulong medikal.

Kung ang balat ay apektado:
1. Agad hugasan ang apektadong bahagi ng katawan gamit ang umaagos na tubig.
2. Agad tanggalin ang kontaminadong damit sa apektadong parte ng katawan.
3. Agad humingi ng tulong medikal.

 

TAGS: doh, firecracker poisoning, Health, Inquirer News, New Year, News in the Philippines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, safety tips, Tagalog breaking news, tagalog news website, doh, firecracker poisoning, Health, Inquirer News, New Year, News in the Philippines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, safety tips, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.