Mga ospital at health centers sa QC handa na sa pagsalubong sa Bagong Taon
Handa na ang mga ospital sa Quezon City sakaling dumagsa ang mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, handa ang lahat ng 3 City-run hospitals at 10 Super Health Centers sa lungsod.
Ang tatlong City-run hospitals ay ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, at Novaliches District Hospital.
Habang matatagpuan naman ang mga health centers sa mga barangay San Francisco sa District 1; Batasan, NGC, Betty Go Belmonte, Payatas at Bagong Silangan sa District 2; Murphy sa District 3; Kamuning sa District 4; at AJ Maximo at Sta. Lucia sa District 5.
Kahapon ay nagsagawa na ng pagpupulong ang mga aheansya sa lokal na pamahalaan ng QC para tiyakin ang kahandaan sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.