Bilang ng naapektuhan ng Typhoon Ursula mahigit 2 milyon na
Umabot na sa mahigit dalawang milyong katao ang bilang ng mga naapektuhan ng pananalasa sa bansa ng Typhoon Ursula.
Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay umabot sa 522,460 na pamilya o katumbas ng 2,122,581 na katao.
Ang mga naapektuhan ay mula sa 2,544 na barangay sa MIMAROPA, Regions V, VI, VII, VII, VIII at CARAGA.
Sa nasabing bilang, mayroon pang 21,409 na pamilya o 84,909 na katao ang pansamantalang nasa mga evacuation center.
Nakapagtala din ng 416 na mga eskwelahan na nasira ng bagyo.
Habang mayroong 406,228 na mga bahay ang nasira. Sa nasabing bilang, 104,469 ang totally damaged at 301,759 ang partially damaged.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.