Taong 2020 mas magiging produktibo at progresibo ayon sa Malakanyang

By Chona Yu December 31, 2019 - 11:36 AM

Patuloy na pagsusumikapan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging produktibo at progresibo pa ang taong 2020.

Sa New Year’s message ng Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maikakaila na incorruptible si Pangulong Duterte at patuloy na iginigiya ang bansa sa mas maayos na kalagayan.

Ayon kay Panelo, gaya ng ibang bansa, isa ang Pilipinas sa naghahangad na magkaroon ng mas maayos na pamumuhay ang bawat Filipino at magkaroon ng mas maunlad na ekonomiya.

Ayon kay Panelo, habang patapos na ang 2019, makikita ng mga Filipino ang pagbabago sa lipunan.

Hangad aniya ng pangulo na magkaroon ang bawat Filipino ng masaya at malusog na pagsalubong sa bagong taon.

TAGS: 2020, Inquirer News, Malacanan, New Year's Message, News in the Philippines, Palace, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2020, Inquirer News, Malacanan, New Year's Message, News in the Philippines, Palace, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.