Ito ay pagtalima sa utos ng Philippine Competition Commission (PCC) na ibalik ng Grab ang P5 milyon halaga sa kanilang mga pasahero na sobra-sobra nilang nasingil.
Ayon sa Grab, ang refund ay kinwenta base sa total fare na naibayad ng bawat pasahero.
Base sa utos ng PCC, ang P5 million na halaga ng refund ay dapat maibalik sa mga pasaherong sumakay sa Grab sa pagitan ng February 10 hanggang May 10, 2019 sa Metro Manila.
Habang P14 million na refund ang kailangang ibalik sa mga Grab riders sa Metro Manila mula May 11 haggang August 10, 2019.
Sa pagtaya ng Grab ang rider na nakagastos ng hanggang P1,200 na pamasahe mula Feb. 10 hanggang May 10, 2019 at gumastos ng P450 mula May 11 hanggang August 10, 2019 at makatatanggap ng P1 sa kanilang GrabPay wallet.