Quezon PDRRMO nagpatawag ng emergency meeting ngayong bisperas ng Bagong Taon hinggil sa insidente ng lambanog poisoning
Nagsagawa ng emergency meetinng ang Provincial Disaster and Risk Reduction and Management Office hinggil sa mga naitalang insidente ng pagkalason sa lambanog.
Ipinatawag ang pulong ngayong umaga ng Martes, Dec. 31.
Ngayong ipagdiriwang ang pagsalubong sa Bagong Taon, paulit-ulit ang paalala mg pamahalaang panlalawigan na tiyaking ligtas ang mga iinumin.
Ayon sa abiso ng provincial government, ang methanol poisoning ay dulot ng hindi wastong distillation process ng mga alak at inuming gaya ng lambanog na maaaring magdulot ng mataas na konsentrasyon ng methanol.
Kabilang sa inilabas na paalala sa mga residente ang mga sumusunod:
1. Maging maingat sa pagbili ng inuming nakalalasing. Tiyaking certified ng FDA ang binibiling produkto.
2. Mas makabubuting bawasan ang pagkonsumo ng inuming nakalalasing at huwag araw-arawin.
3. Humingi ng kaukulang pahintulot sa FDA bago mag-manufacture at magbenta ng anumang produktong pagkain at inumin.
4. Kung malubhang nararamdaman ang mga sintomas (masakit na ulo, pagsusuka, pagsakit ng tiyan at mababang presyon ng dugo) makipag-ugnayan sa doktor o health center upang maagapan at mabigyan ng paunang lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.