Suporta ng sambayanan hiniling ni CJ Peralta para makamit ang reporma sa hudikatura

Sa pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon humiling ng suporta sa sambayanan si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Sa kaniyang New Year’s message sinabi ni Peralta na sa nakalipas na dalawang buwan mula nang siya ay maupo bilang puonng mahistrado, mas ganado at positibo siya sa mga reporma sa sangay ng hudikatura.

Pero ayon kay Peralta, maisasakatuparan lamang ito hindi lang sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng lahat ng nasa hudikatura kundi maging sa tulong ng sambayanan.

“Since I took over the helm of the judiciary two months ago as its 26th Chief Justice, I cannot help but feel encouraged and hopeful that the reforms I have presented for the judiciary will soon gain traction in the new year to come. These reforms are geared towards providing swift, efficient, fair, and responsive justice for all Filipinos regardless of stature,” ani Peralta.

Ani Peralta, kaisa siya ng taumbayan sa pananalangin para sa ikaaayos ng bansa.

Hiling din ni Peralta ang mapayapa at masaganang Bagong Taon at sa susunod pang dekada.

Read more...