Bumiyaheng pasahero sa mga pantalan mula madaling araw ng Dec. 31 umabot sa halos 40,000

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2019 - 10:12 AM

Mas kumaunti na ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula madaling araw ng Martes, December 31.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), simula alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga, nakapagtala ng 38,935 na mga pasahero sa mga pantalan.

Pinakamaraming bumiyahe ay sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot ng 14,013 gayundin sa mga pantalan sa Southern Tagalog na umabot sa 9,925.

Narito ang bilang ng mga pasaherong naitala sa mga pantalan sa bansa:

1. National Capital Region – 218
• Pasig – 218

2. Central Visayas – 14,013
• Cebu – 10,496
• Western Bohol – 921
• Southern Cebu – 2,338
• Camotes – 258

3. Southern Tagalog – 9,925
• Batangas – 3,891
• Oriental Mindoro – 1,614
• Southern Quezon – 1,925
• Occidental Mindoro – 794
• Romblon – 989
• Northern Quezon – 712

4. Western Visayas – 1,730
• Aklan – 1,452
• Iloilo – 278

5. South Eastern Mindanao – 625
• Davao – 512
• Igacos – 113

6. Bicol – 2,757
• Albay – 938
• Sorsogon – 1,764
• Masbate – 55

7. Northern Mindanao – 5,658
• Surigao del Norte – 466
• Misamis Occidental – 546
• Lanao del Norte – 78
• Zamboanga del Norte – 161
• Misamis Oriental – 1,124

8. Eastern Visayas – 1,967
• Western Leyte – 1,225
• Southern Leyte – 208
• Northern Samar – 534

13. Southern Visayas – 2,042
• Negros Oriental – 1,902
• Negros Occidental – 140

Magpapatulay ang monitoring ng coast guard sa mga pantalan sa bansa sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos para mapanatili ang maritime casualty o incident ngayong Holiday Season.

TAGS: coast guard, Holiday Season, Inquirer News, Monitored passengers, News in the Philippines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, Holiday Season, Inquirer News, Monitored passengers, News in the Philippines, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.