Sinang-ayunan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang privatization ng Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC-13.
Nakatakdang ibenta ang naturang free tv channel sa halagang P1.977 bilyon.
Ang desisyon na ibenta ang naturang kumpanya ay batay sa rekomendasyon ng Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporation o GCG.
Ayon sa pag-aaral ng GCG, nalugi ng P45.26 milyon ang IBC-13 simula 2010 hanggang 2014.
Noong nakaraang taon, pinondohan ng gobyerno ng P23.56 milyon ang naturang kumpanya ngunit hindi pa rin ito nakarekober.
Dagdag pa ng GCG, sapat na ang PTV-4 na inooperate din ng gobyerno upang maihatid ang mga kinakailang impormasyon sa publiko.
Una rito, isinailalim na sa muling pagpapasigla ang operasyon ng PTV-4 kung saan ang bahagi ng pondong gagamitin dito ay ang makukuha sa privatization ng IBC-13.
Nagsimula ang IBC-13 noong 1960 bilang isang pribadong kumpanya na Inter-island Broadcasting Corp.
1986 nang i-sequester ng Presidential Commission on Good Government ang IBC dahil umano sa pagiging bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.