Presidency ni Pangulong Duterte total failure kung hindi makokontrol ang ilegal na droga

Ituturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na total failure ang kanyang anim na taong panunungkulan sa Malakanyang kung hindi makokontrol ang operasyon ng ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung kaya pursigido siyang matugunan ang problema.

Dagdag ng pangulo, hindi niya hahayaaan na tuluyang masira ang kinabukasan ng mga bata dahil lamang sa ilegal na droga.

Pakiusap ng pangulo sa human rights group, tingnan din ang buhay ng mga pamilyang nabiktima ng ilegal na droga at hindi lamang ang mga napatay na drug personalities na nanlaban sa mga otoridad.

Para sa pangulo, itinuturing niyang isang carcass o bangkay ng isang hayop lamang ang mga drug personalities na napapatay sa operasyon.

Read more...