Water level ng Angat dam nadagdagan pa sa magdamag

Tumaas pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Martes, December 31 ay nasa 201.51 meters ang water level ng Angat.

Mas tumaas kumpara sa 201.37 meters kahapon, pero malayo pa sa 212 meters na normal high water level ng dam.

Wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo dam.

Habang bahagya ring nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.71 meters.

Nadagdagan ng kaunti ang water level sa Ambuklao dam.

At ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang antas ng tubig.

Read more...