Lalaki patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan

By Mary Rose Cabrales December 31, 2019 - 07:08 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Camarin sa Caloocan City Lunes ng gabi (December 30).

Nakilala ang nasawi na si Eric Tiguman isang pedicab driver.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, namamasada umano ang biktima sa San Vicente Ferrer Road, Barangay 178 nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Ayon sa ilang residente sa lugar ay bigla na lang silang nakarinig ng putok ng baril.

Bago binawian ng buhay ang biktima ay nakatakbo pa ito ng ilang metro.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagyayari.

TAGS: ambush, caloocan, crime, Inquirer News, News in the Philippines, pedicab driver, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, caloocan, crime, Inquirer News, News in the Philippines, pedicab driver, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.