Special task group, itinalaga para hanapin ang mga pumatay kay Coun. Mañalac

By Kathleen Betina Aenlle January 26, 2016 - 04:28 AM

 

Magkatuwang ang Northern Police District (NPD) at ang Malabon City police na bumuo ng special task group para habulin at dakipin ang mga suspek sa pagpatay kay Councilor Merlin “Tiger” Mañalac.

Matatandaang pasakay na sana ng kaniyang sasakyan si Mañalac sa labas ng kanilang bahay at patungo sana sa isang political meeting nang bigla siyang binaril ng riding in tandem na mga kalalakihan dakong alas-kwarto ng hapon noong Sabado.

Ayon kay NPD director Chief Supt. Eric Reyes, ang nasabing task group ay bubuuin ng mga pulis Malabon at NPD district division heads at nakatakdang mag-pulong isang beses sa isang linggo para pag-usapan ang mga pag-usad sa kaso.

Samantala, inanunsyo na rin ni Mayor Antolin Oreta III na magbibigay siya ng P200,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mabilis na makilala at maaresto ang mga pumatay kay Mañalac.

Tinitingnan na rin ng mga pulis ang lahat ng posibleng motibo sa pamamaslang, kabilang na ang pulitika lalo pa’t muling tatakbo si Mañalac sa darating na eleksyon para sa parehong posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.