Mahigit 100,000 katao dumalo sa Year End Concert & Fireworks Display sa Marikina

Napuno ang Marikina Sports Center matapos na umabot sa mahigit 100,000 ang dumalo sa Year End Concert & Fireworks Display.

Ang akitbidad ay handog ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa Marikina City Rescue, bagaman napakarami ang dumalo sa aktibidad, walang naitalang kaguluhan at wala ring kalat na iniwan ang mga dumalo sa concert.

Nagperform sa nasabing concert na idinaos, Lunes (Dec. 30) ng gabi ang mga bandang December Avenue, IV of Spades at This Band.

Taun-taon ay mayroong pa-Year End Concert sa Marikina si Mayor Marcy Teodoro sa layong maiiwas ang publiko na magpaputok sa kani-kanilang mga tahanan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Read more...