Amihan, umiiral sa extreme Northern Luzon – PAGASA
Walang binabantayang bagyo o low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa extreme Northern Luzon.
Inaasahan aniyang lalakas pa ito sa mga darating na araw.
Samantala, easterlies naman ang umiiral sa bansa na nagdadala ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Dahil sa easterlies at inaasahang pagbalik ng tail end of a cold front, sinabi ni Aurelio na magiging ulap ang kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan dulot sa Cagayan Valley, Kalinga, Apayao, Ifugao at Mountain province.
Makakaranas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Aurora at Quezon.
Magiging maaliwalas naman ang panahon, ani Aurelio, sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.