Pulis, binaril sa Batangas, patay

 

Patay ang isang pulis sa Lemery, Batangas matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin, Lunes ng umaga.

Kinilala ang pulis na si SPO1 Bernard Mendoza na nakatalaga sa Regional Intelligence Unit ng Philippine National Police (PNP)- CALABARZON na naka-base sa Laguna.

Sakay ng kaniyang motorsiklo, binabaybay ni Mendoza ang Brgy. Mahabang Dahilig sa Lemery patungo sa kaniyang trabaho nang barilin ng dalawang suspek.

Nakasuot umano ng bonnet ang mga salarin habang sakay ng itim na motorsiklo na ginamit din ng mga ito sa kanilang pagtakas.

Ayon kay Sr. Supt. Arcadio Ronquillo, director ng Batangas police, inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa pagpatay sa nasabing pulis.

 

Read more...