Pulis, binaril sa Batangas, patay

By Kathleen Betina Aenlle January 26, 2016 - 04:25 AM

 

crime-scene-300x200Patay ang isang pulis sa Lemery, Batangas matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin, Lunes ng umaga.

Kinilala ang pulis na si SPO1 Bernard Mendoza na nakatalaga sa Regional Intelligence Unit ng Philippine National Police (PNP)- CALABARZON na naka-base sa Laguna.

Sakay ng kaniyang motorsiklo, binabaybay ni Mendoza ang Brgy. Mahabang Dahilig sa Lemery patungo sa kaniyang trabaho nang barilin ng dalawang suspek.

Nakasuot umano ng bonnet ang mga salarin habang sakay ng itim na motorsiklo na ginamit din ng mga ito sa kanilang pagtakas.

Ayon kay Sr. Supt. Arcadio Ronquillo, director ng Batangas police, inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa pagpatay sa nasabing pulis.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.