Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot sa 79,000
Dalawang araw bago ang Bagong Taon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 79,156 na outbound passengers sa mga pantalan.
Ito ay mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes na may 17,539 na pasahero.
Sumunod dito ang Southern Tagalog partikular sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon na may 9,795 na pasahero.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– National Capital Region – 2,114
– South Western Mindanao – 3,692
– Palawan – 7,055
– Western Visayas – 14,861
– North Western Luzon – 195
– South Eastern Mindanao – 2,551
– Bicol – 2,899
– Northern Mindanao – 8,927
– Eastern Visayas – 3,010
– North Eastern Luzon – 482
– Southern Visayas – 6,036
Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.