Ayon sa pangulo, natagalan kasi ang kanyang pagbisita sa mga biktima ng lindol.
Paliwanag ng pangulo, marami kasing problema sa Metro Manila na kinakailangan na harapin gaya ng tagilid na kontrata ng pamahalaan sa Manila Water at Maynilad.
Ayon sa pangulo, nakikiisa siya sa pagdadalamhati ng mga namatayan sa lindol.
“I share your grief, sa totoo lang. Pinilit ko, I must apologize, I am very sorry that I could not be here immediately. Marami hong problema sa Maynila. Kasi busy ako nagmumura doon sa mga water concessionaires na si Ayala pati si Pangilinan,” ayon sa pangulo.
Aabot sa 20 katao ang nasawi sa magkakasunod na lindol sa Mindanao noong Oktubre.
Aminado ang pangulo na sadyang nakatatakot ang lindol at nakadi-depress lalo na kung nawalan ng bahay at kapamilya.
Umaasa ang pangulo na mapapasaya ang mga nabiktima ng lindol sa mga ayudang ibinigay ng pamahalaan.
“I hope that the assistance we will give you today will make you feel the warmth and joy of the Christmas season despite your current situation,” dagdag ni Duterte.
Target ng pangulo na matapos ang pabahay sa mga nabiktima ng lindol sa Hunyo ng susunod na taon.