Pagkakaroon ng economic zone at free port sa Iloilo City, isinusulong ni Rep. Baronda

By Erwin Aguilon December 30, 2019 - 04:09 PM

Itinutulak ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep. Jam Baronda na magtatag ng economic zone at free port sa Iloilo City.

Base sa House Bill 5794 na inihain ni Baronda, kokolektahin sa locators ang 5 porsyento sa Gross Income Earned pero wala nang ipapataw na national o local taxes.

Ang mga negosyo, kumpanya o korporasyon naman na marerehistro sa economic zone authority ay makakapag-avail ng tax holiday.

Paliwanag nito, kailangan ang pagkakaroon ng Metro Iloilo Special Economic Zone and Free Port upang lalo pang makahikayat ng mga investor at magdagdag ng trabaho sa mga taga-Iloilo.

Oras anya na maging ganap na batas ang kanyang panukala ay lalo pang lalakas ang ekonomiya hindi lamang sa lalawigan ng Iloilo kundi maging sa Western Visayas at buong Visayas.

Kabilang sa lalakas, ayon kay Baronda, sa oras na maging bukas sa investments ang Iloilo City ay ang medical tourism, manufacturing, agriculture and fisheries, energy, service, export enterprises at information technology.

Magiging daan anya ito sa pagbawas ng kahirapan at pagbilis ng paglago lalo na ng mga rural areas.

Ang Metro Iloilo Economic Zone and Free Port ay alinsunod na rin sa Philippine Development Plan 2017-2022 na layong isulong ang regional development ng buong bansa.

TAGS: economic zone and free port in Iloilo City, House Bill 5794, Rep. Jam Baronda, economic zone and free port in Iloilo City, House Bill 5794, Rep. Jam Baronda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.