DILG, ipinag-utos sa PNP at AFP na maging mas maingat sa paglalabas ng larawan
Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging mas maingat sa paglalabas ng mga larawan at impormasyon sa publiko.
Ito ay matapos ang ilabas ng AFP ang larawan ng pagsuko ng mga rebelde ngayong Disyembre sa Masbate ngunit noong 2016 pa pala ang naturang litrato.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na gumagawa na ng aksyon ang PNP at AFP para matiyak na hindi na mauulit ang insidente.
Sinabi pa nito na huwag bigyan ng dahilan ang mga umano’y kaaway ng estado na makahanap ng butas sa programa para sa mga kababayan.
Matatandaang humingi na rin ng paumanhin ang Philippine Army sa paglalabas ng maling litrato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.