No-fly zone ipatutupad sa prusisyon ng Itim na Nazareno

Inquirer file photo

Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng no-fly zone sa Quiapo, Maynila sa Thanksgiving Procession ng Itim na Nazareno ngayong araw.

Ayon sa pahayag ng NCRPO, sa kasagsayan ng prusisyon, walang papayagang gumamit ng drone.

Ang Thanksgiving Procession ang unang araw ng 9-day novena para sa Black Nazarene.

Simula alas 8:30 ng gabi mamaya ay may mga lansangan na rin sa Maynila na isasara sa mga motorista.

Read more...