Bus nahulog sa bangin sa Sorsogon

By Rose Cabrales December 30, 2019 - 02:01 PM

Nahulog ang isang bus sa bangin sa bayan ng Matnog sa Sorsogon, Lunes ng umaga (December 30).

Ayon kay Police Maj. Malou Calobaquib ng Police Regional Office-V (PRO-5), nahulog ang isang Eagle Star bus na
patungong Guian sa Eastern Samar na may numerong 8186 na minamaneho ng isang Felix Calipes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Calipes sa may pagliko sa pababang bahagi ng daan na naging dahilan ng pagkahulog ng bus sa bangin.

Wala namang naitalang nasawi sa insidente pero marami ang nagtamo minor injuries.

Agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugtan.

Ang driver naman na si Capiles naman ay nasa kustodiya ng Matnog’s Municipal Police Station.

TAGS: accident, bus, Inquirer News, Matnog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, bus, Inquirer News, Matnog, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.