Construction worker patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tamdem sa Dumaguete City sa Negros Oriental, bandang alas-6 ng gabi ng Linggo (December 29).

Nakilala ang biktima na si Noel Irlanda, 49 taong gulang, isang construction worker at isang drug surrenderee na sumasailalim sa community-based drug rehabilitation.

Ayon sa Zamboanguita police, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Apat na basyo ng bala at isang slug ng kalibre .45 na baril ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.

Base pa ulat ng mga pulis, umalis ang biktima sa kanyang bahay sa Sitio Dumandam, sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang ina ilang metro lamang ang layo nang ito ay pagbabarilin ng backrider ng motorsiklong bumuntot sa kanya.

Hindi naman nakilala ng mga witness ang mga bumaril sa biktima na nakasuot ng bonnet at helmet.

Read more...