Nationalism ni Rizal dapat pag-alabin ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu December 30, 2019 - 11:04 AM

Presidential Photo
Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kabataan na pag-alabin pa ang nasyunalismo na iniwan ni iniwan ni Dr. Jose Rizal may isandaan at dalawampu’t tatlong taon na ang nakararaan.

Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na dapat na paigtingin ang nasyunalismo lalo na sa pagharap sa buhay na nababalot ng pagkakahati-hati at kawalan ng damdamin.

Ayon sa pangulo, dapat na gayahin ng nga kabataan ang mga kabutihan ni Rizal.

Mahalaga aniya ang araw na ito para gunitian ang nga kabayanihan ni Rizal

Dumalo ang pangulo sa Rizal Day Rites sa Rizal Park sa Davao City kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte

Taliwas ito sa naunang pahayag ng palasyo na hindi dadalo ang pangulo sa Rizal Day Rites ngayong araw.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal Day, rizal day rites, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal Day, rizal day rites, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.