Mayayamang negosyante na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad tatargetin ni Pangulong Duterte sa 2020

Tiniyak ng Malakanyang na walang humpay ang gagawing kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga oligarch o mayayamang negosyante na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, asahan nang paiigtingin ang kampanya ng pangulo sa pagpasok ng taong 2020.

Wala aniyang sasantuhin ang pangulo at tutugisin ang lahat ng mga mayayamang negosyante na gumagawa ng kalokohan.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung magiging madugo ang kampanya laban sa mga oligarchs gaya ng pagiging madugong kampanya kontra sa ilegal na droga.

Una rito sinabi ni Panelo na may malaking anunsyo na gagawin ang pangulo sa January 6 kaugnay sa tagilid na kontrata ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno.

Read more...