Ito ang tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa panawagan ni US Senstor Patrick Leahy na palayain na si Senador Leila de
Lima o bigyan ng patas na paglilitis kaugnay sa kinakaharap nitong kaso sa ilegal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang problema kay Leahy ay hindi muna nag-aaral sa sitwasyon sa
Pilipinas bago magsalita sa publiko.
Iginiit pa ni Panelo na paulit-ulit nang sinasabi ng Palasyo na patas ang ginagawang paglilitis kay De Lima.
Sinabi pa ni Panelo na sa ngayon, hindi na mababago ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang
makapasok sa bansa si Senator Leahy at Senator Dick Durbin.
Sina Leahy at Durbin ang nagpanukala na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng pamahalaan ng
Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay De Lima.