Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers Southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-7:21 umaga ng Lunes (December 30).

May lalim na 10 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...