Dalawa patay sa pamamaril sa simbahan sa Texas

Dalawa ang nasawi sa insidente ng pamamaril na naganap sa simbahan sa Fort Worth Texas.

Isang lalaki ang bumaril sa isang lalaking biktima na nagsisimba sa West Freeway Church of Christ.

Ayon sa White Settlement Police Department, nang marinig ang putok ang baril, isang miyembro ng kongregasyon ng simbahan ang rumesponde at binaril ang suspek.

Maliban sa isang biktima at suspek na nasawi, mayroon pang isang nagsisimba rin ang ginagamot sa ospital.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo ng suspek.

Read more...