Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Cabatuan sa Isabela.
Naitala ang pagyanig sa layong 5 kilometers southwest ng Cabatuan, alas 5:01 ng umaga ng Lunes, Jan. 30.
May lalim lang na 1 kilometer ang pagyanig at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Bago ito ay tumama rin ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan naman ng Dinapigue, Isabela alas 3:15 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.