Mainit na panahon asahan hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon

Walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa hanggang sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, easterlies o ang mainit na hanging mula sa dagat-Pacifico ang weather system na umiiral sa bansa.

Magdadala ang easterlies ng pangkalahatang maalinsangang panahon.

Sa Metro Manila at buong bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Sa Huwebes, may posibilidad na muling lalakas ang ihip ng northeast monsoon o Amihan.

Magandang balita naman para sa mga mangingisda, walang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.

Read more...