PCG: Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa higit 86,000

By Rhommel Balasbas December 30, 2019 - 12:43 AM

Dagsa na ang mga pasahero sa mga pantalan na humahabol para salubungin ang bagong taon sa kani-kanilang mga lugar.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas-12:01 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Linggo, umabot sa 89,929 ang kaabuang bilang ng port passengers sa buong bansa.

Pinakamarami sa Central Visayas (Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes) na may 15,486 passengers.

Pumangalawa ang Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Guimaras) na may kabuuang bilang ng pasahero na 13,043.

Marami rin ang port passengers sa Southern Tagalog (Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon) na umabot sa 12,018.

Ayon sa PCG, katuwang sila ng pambansang gobyerno sa pagtiyak na maitatala ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas Season.

Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatiyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa safety at security measures sa lahat ng terminal at mga sasakyang pangdagat.

Hinihikayat ang mga pasahero na iulat ang presensya ng mag kahina-hinalang indibidwal.

TAGS: Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, passenger monitoring, Philippine Coast Guard (PCG), port passengers, port terminals, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, passenger monitoring, Philippine Coast Guard (PCG), port passengers, port terminals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.