Panibagong oil price hike ipatutupad bukas
Bad news sa mga motorista!
Isa na namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang muling ipatutupad bukas, December 31, bisperas ng bagong taon.
Sa abiso ng Shell, may dagdag na P0.85 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.
P0.50 ang nakaambaang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
At P0.35 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Epektibo ang oil price hike ng Shell alas-6:00 ng umaga. Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng price adjustments ang iba pang kumpanya ngayong araw.
Ang taas-presyo ay bukod pa sa last tranche o huling bugso ng excise tax na ipatutupad sa January 2020 sakaling maubos na ang lumang stock ng petrolyo.
Narito naman ang madadagdag sa presyo ng oil products kapag epektibo na ang last tranche ng excise tax.
Diesel – P1.68/litro
Gasolina – P1.12/litro
Kerosene – P1.12/litro
LPG – P1.12/kilo
Auto-LPG – P1.68/litro
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.