Walang apektadong Filipino sa pagsabog sa Somalia – DFA

By Angellic Jordan December 29, 2019 - 05:22 PM

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nasugatang Filipino sa pagsabog sa Mogadishu, Somalia.

Hindi bababa sa 79 katao ang nasawi makaraang pasabugin ang isang trak sa itinalagang checkpoint sa Mogadishu, araw ng Sabado.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na walang sangkot na Filipino sa insidente.

Patuloy anilang tututukan ang sitwasyon sa lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino sa nasabing bansa.

Samantala, nagparating din ng pagkondena ang DFA sa nangyaring pagsabog.

TAGS: DFA, Mogadishu, Philippine Embassy in Nairobi, Somalia, Somalia bombing, DFA, Mogadishu, Philippine Embassy in Nairobi, Somalia, Somalia bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.