Traffic rerouting, ipatutupad sa ilang kalsada sa Maynila para sa prusisyon ng Itim na Nazareno
Magpapatupad ang Manila Police District (MPD) ng traffic rerouting sa ilang pangunahing kalsada sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Lunes, December 30.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng MPD na ito ay para sa isasagawang thanksgiving procession ng Itim na Nazareno.
Isasara sa mga motorista ang mga sumusunod ng kalsada simula 8:30 ng gabi:
– Quezon Boulevard mula A. Mendoza hanggang Plaza Miranda (southbound)
– España Boulevard partikular sa P. Campa Street at Lerma Street
– C.M. Recto mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street (eastbound)
Ang ruta naman ng prusisyon ay magmumula sa Plaza Miranda. Kakaliwa ito sa Quezon Boulevard, kanan C.M. Recto Avenue, saka kakanan ulit sa Loyola Street, at kakanan sa Bilibid Viejo Street. Sunod nito, kakaliwa sa Gil Puyat Street at Z.P. de Guzman Street, kanan sa R. Hidalgo Street, kaliwa sa Quezon Boulevard sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Villalobos Street at saka babalik sa Plaza Miranda.
Bunsod nito, inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga itatalagang alternatibong ruta.
Inaasahang libu-libong deboto ang makikiisa para sa Pista ng Itim na Nazareno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.