Tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, nadagdagan pa ang bilang ng nasugatan bunsod ng paputok.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 46 na ang bilang ng fireworks-related injuries sa bansa mula December 21 hanggang 29.
Kapareho nito ang naitalang bilang noong nakaraang taon.
Napaulat ang mga kaso sa National Capital Region (NCR), Regions 1, CALABARZON, 2 at 5.
Wala namang naitalang kaso ng stray bullet injuries o nalunok na paputok.
READ NEXT
Halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Bagyong Ursula, umabot sa higit P1B – NDRRMC
MOST READ
LATEST STORIES