Bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ursula, pumalo na sa 41 – NDRRMC

By Angellic Jordan December 29, 2019 - 04:36 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ursula, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa situational report ng ahensya bandang 6:00 ng umaga, sinabi nito na nasa 41 katao na ang nasawi bunsod ng bagyo.

28 katao naman ang nasugatan habang 14 ang nawawala.

Ang nasabing mga bilang ay napaulat mula sa Regions 4-B (MIMAROPA), 6, 7 at 8.

Samantala, umabot naman sa 399,242 na pamilya o 1,633,611 na indibidwal ang apektado sa 2,044 na barangay ng bagyo.

Sa ngayon, nasa 24,378 na pamilya o 97,503 na indibidwal ang nananatili pa rin sa 529 na evacuation centers.

TAGS: Bagyong Ursula, NDRRMC, ursula aftermath, ursulaPH, Bagyong Ursula, NDRRMC, ursula aftermath, ursulaPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.