Halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Bagyong Ursula, umabot sa higit P1B – NDRRMC

By Angellic Jordan December 29, 2019 - 04:36 PM

Tinatayang P1 bilyon ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at agrikultura bunsod ng Bagyong Ursula.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang P1,074,292,945 ang halaga ng pinsala sa Regions 4-B (MIMAROPA), 5, 6, 7 at 8.

Batay pa sa datos ng ahensya, 372 na eskwelahan ang partially damaged sa Regions 4-A (CALABARZON), 4-B (MIMAROPA), 5, 6 at 8.

265,643 naman ang nasirang mga bahay sa Regions 4-B (MIMAROPA), 6, 7 at 8 kung saan 36,130 rito ay totally damaged habang 229,513 naman ang partially damaged.

Sa health facilities, umabot sa 29 ang napaulat na bahagyang napinsala sa Regions 4-B (MIMAROPA), 7 at 8.

90 public structures naman ang nasira sa MIMAROPA at Region 8.

Nasa 51 na road sections at dalawang tulay ang apektado ng bagyo sa MIMAROPA, Regions 6 at 8 kung saan 3 road sections at dalawang tulay ang hindi pa maaaring daanan.

Samantala, umabot sa walong lugar ang binaha dahil sa dalang ulan ng bagyo sa Cuartero, Jamindan at President Roxas sa Capiz.

Matatandaang tuluyang nakalabas ng bansa ang Bagyong Ursula noong Sabado ng umaga (December 28).

TAGS: Bagyong Ursula, NDRRMC, ursula aftermath, ursulaPH, Bagyong Ursula, NDRRMC, ursula aftermath, ursulaPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.