Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog sa bahagi ng Gate 10 sa Parola Compound.
Dahil dito, lima ang nasugatan sa sunog kabilang ang isang fire volunteer.
Ayon naman sa Manila Public Information Office, idineklarang fire out sa nasabing lugar bandang 1:19 ng hapon.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam kung ano ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES