Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ayaw kasi ni Pangulong Duterte na pinakikialaman ang mga panloob na usapin ng bansa.
Sina Leahy at Durbin ang nagpanukala na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima. Si de Lima ay nakakulong ngayon sa Camp Crame dahil sa kaso ng ilegal na droga.
Ilan din sa mga kritiko ng pangulo sina United Nations High Commissioner for Human Rights Agnes Callamard at dating Human Rights Watch’s Asia division director Phelim Kine na parehong pinagbawalan na makapasok sa Pilipinas.