Palasyo, may babala sa mga dayuhang kritiko ng administrasyong Duterte

By Chona Yu December 29, 2019 - 03:54 PM

Binalaan ng Palasyo ng Malakanyang ang iba pang mga dayuhang kritiko na maghinay-hinay sa pagbatikos sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ayaw matulad kina US senators Patrick Leahy at Dick Durbin na pinagbawalang makapasok sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ayaw kasi ni Pangulong Duterte na pinakikialaman ang mga panloob na usapin ng bansa.

Sina Leahy at Durbin ang nagpanukala na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima. Si de Lima ay nakakulong ngayon sa Camp Crame dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Ilan din sa mga kritiko ng pangulo sina United Nations High Commissioner for Human Rights Agnes Callamard at dating Human Rights Watch’s Asia division director Phelim Kine na parehong pinagbawalan na makapasok sa Pilipinas.

TAGS: Sec. Salvador Panelo, US senator Dick Durbin, US Senator Patrick Leahy, US travel ban, Sec. Salvador Panelo, US senator Dick Durbin, US Senator Patrick Leahy, US travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.