Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 89,895 na outbound passengers sa mga pantalan.
Ito ay mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Linggo.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes na may 18,864 na pasahero.
Sumunod dito ang Southern Tagalog partikular sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon na may 12,652 na pasahero.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– National Capital Region- Central Luzon – 3,478
– South Western Mindanao – 3,469
– Palawan – 3,823
– Western Visayas – 11,887
– North Western luzon – 2,166
– South Eastern Mindanao – 3,944
– Bicol – 5,015
– Northern Mindanao – 8,554
– Eastern Visayas – 4,190
– North Eastern Luzon – 326
– Southern Visayas – 10,367
Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.