Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Davao del Sur, Linggo ng tanghali.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometers Southwest ng Sulop bandang 12:21 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 5 kilometers at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 3 sa Malungon, Sarangani.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.