Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ayaw lang ng Pilipinas na pinakikialaman ng ibang bansa ang mga panloob na usapin.
Nais din ng pangulo na magkaroon na ng visa requirement ang mga Amerikanong bibisita sa Pilipinas kapag itinuloy ang travel ban ng Amerika sa mga government officials ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.
Kumpiyansa rin si Panelo na hindi maapektuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Amerika.
Paliwanag ni Panelo, may mga kontrata ang mga OFW kung kaya malabong balikan ang mga ito.