Pagbawal na makapasok ng bansa sina Leahy, Durbin walang epekto sa relasyon ng US at Pilipinas – Palasyo

By Chona Yu December 29, 2019 - 01:46 PM

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na walang epekto sa bilateral relations ng Amerika at Pilipinas ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang makapasok sa bansa sina US senators Patrick Leahy at Dick Durbin.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ayaw lang ng Pilipinas na pinakikialaman ng ibang bansa ang mga panloob na usapin.

Nais din ng pangulo na magkaroon na ng visa requirement ang mga Amerikanong bibisita sa Pilipinas kapag itinuloy ang travel ban ng Amerika sa mga government officials ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

Kumpiyansa rin si Panelo na hindi maapektuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Amerika.

Paliwanag ni Panelo, may mga kontrata ang mga OFW kung kaya malabong balikan ang mga ito.

TAGS: bilateral relations of US and Philippines, Sec. Salvador Panelo, US travel ban, bilateral relations of US and Philippines, Sec. Salvador Panelo, US travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.