Walang papasok na bagyo sa bansa bago ang Bagong Taon – PAGASA
Wala nang bagyo na papasok sa bansa bago pa man matapos ang taong 2019.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Joey Figuracion na huli na ang Bagyong Ursula na tumama sa Visayas region.
Wala aniyang sama ng panahon na binabantayan ngayon ang PAGASA.
Ayon kay Figuracion, ang tail end of a cold front lamang ang nakaapekto sa bansa lalo na sa extreme Northern Luzon. Makararanas aniya ng kalat na kalat na pag-ulan at pagkulog sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan at bahagyang pag-ulan ang Cordillera, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Quezon at Aurora dahil sa easterlies.
Magandang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa pero maaring makaranas ng makulimlim na panahon dulot ng localized thunderstorm.
Pinapayuhan naman ng PAGASA ang mga mangingisda na maging maingat sa pagpapalaot sa bahagi ng Batanes at Cagayan Valley dahil sa surge advisory.
Ayon kay Figuracion, may gale warning sa mga nabanggit na lugar dahil sa amihan at maaring umabot sa 4.5 meters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.