Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot sa 31,000

Apat na araw bago ang Bagong Taon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 31,054 na outbound passengers sa mga pantalan.

Ito ay mula 12:01 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Sabado.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog partikular sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro at Romblon na may 11,061 na pasahero.

Sumunod dito ang Northern Mindanao partikular sa Surigao del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Dinagat, Zamboanga del Norte at Misamis Oriental na may 4,382 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– Central Visayas – 2,946
– Western Visayas – 1,553
– South Eastern Mindanao – 4,290
– Bicol – 2,262
– Eastern Visayas – 1,625
– Southern Visayas – 2,935

Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.

Read more...