DOTr, iimbestigahan ang mga insidente ng paghagis ng bato sa mga tren ng PNR

By Angellic Jordan December 28, 2019 - 05:09 PM

Nakiisa ang Department of Transportation (DOTr) sa Philippine Nationa Railways (PNR) sa pagkondena sa mga insidente ng paghagis ng bato sa mga tren.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagaawaran na nakikipag-ugnayan sila sa mga otoridad para imbestigahan at pananagutin ang responsable rito.

Ayon sa DOTr, ang mga tren ay pag-aari ng mga Filipino.

Dahil dito, iginiit ng kagawaran na dapat ding tumulong ang publiko para mapanatiling maayos, malinis at maproteksyunan ang mga tren na magagamit ng mga residente.

Nakakagambala anila na apektado ng mga napapaulat na insidente ang operasyon ng tren.

Sa tala ng DOTR, mula December 2 hanggang 21, umabot na sa 14 ang bilang ng insidente ng paghagis ng bato sa mga tren ng PNR.

Mabuti namang hindi kabilang sa naitalang insidente ang mga bagong tren mula sa Indonesia.

Kasunod nito, hiniling ng DOTr ang kooperasyon ng publiko sa pagre-report ng mga mapanganib na insidente.

TAGS: dotr, paghagis ng bato sa PNR trains, PNR, dotr, paghagis ng bato sa PNR trains, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.