Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa Rizal Day (Dec. 30)
Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Lunes, December 30.
Ito ay bunsod ng isasagawang paggunita sa ika-123 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Sa inilabas na traffic advisory ng Manila Police District (MPD), isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw simula 6:00 ng umaga.
Magpapatupad din ng traffic rerouting ang MPD sa nasabing petsa.
Sa mga sasakyan mula sa Delpan Bridge-Pier Zone, kumaliwa sa P. Burgos, kumanan sa Ma. Orosa papunta sa kanilang destinasyon.
Lahat naman trak o iba pang mabibigat na sasakyan mula sa Delpan Bridge Pier Zone, kumaliwa sa P. Burgos saka dumeretso sa Finance Rd-Ayala Boulevard, kumanan sa San Marcelino papunta sa kanilang destinasyon.
Samantala sa mga bibiyahe mula northbound ng Roxas Boulevard, kumanan sa TM Kalaw, kumaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.
Sa mga trak at iba pang mabibigat na sasakyan or heavy vehicles na bibiyahe sa kaparehong kalsada mula P. Ocampo, kumanan sa Pres. Quirino Avenue papunta sa destinasyon.
Para naman sa mga magmumula sa McArthur, Jones at Quezon Bridge, dumaan sa Round Table saka pumunta sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.