Bilang ng nasugatan bunsod ng paputok, umabot na sa 34 – DOH
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.
Sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 34 ang bilang ng fireworks-related injuries apat na araw bago ang Bagong Taon.
Naitala ang nasabing bilang mula December 21 hanggang 28.
Ayon sa DOH, mas mababa ito ng 21 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi rin ng kagawaran na wala pang napapaulat na kaso ng stray bullet injuries o pagkalunok ng paputok.
Ilan sa kaso ng mga sugatan ay bunsod ng ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, piccolo at 5-star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.